37
talento-gm-gonzales
By

Talento at ensayo puhunan sa chess – GM Gonzales

Maraming magagaling na Pinoy woodpushers sa Pilipinas ang kailangan lang mag-ensayo upang lumabas lalo ang kanilang talento.

Ayon kay grandmaster Jayson Gonzales, hindi puwedeng puro talento lang ang maging puhunan ng chess players kailangan din nilang maghanda at mag-ensayo para sa mga lalahukang torneo.

“We have so much talent na Filipino chessers, pero kailangan din nilang maging seryoso sa training hindi puro talent lang,” saad ni Gonzales kahapon sa naganap na Press Conference ng Pre-Launching ng 19th ASEAN+ Age Group Chess Championship sa PSC Athletes Dinning Hall, Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Dedepensahan ng Pilipinas ang kanilang titulo sa June 17 sa Davao City matapos humakot ng 83 gold medals nakaraang edition sa Malaysia.

Dumalo sa nasabing press conference si National Chess Federation of the Philippines president, Prospero ‘Butch” Pichay Jr., Ignatius Leong ng Asean Chess Confederation, Cliburn Anthony Orbe, NCFP Vice President, Charles Maxey, Commissioner at James Manifesto, AAG-Director Davao Coordinator.

Ang mga kategoryang paglalabanan ay Standard, Rapid, Blitz at team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?