74
Talao bagong pangulo ng PSA
Apr 4, 2019 @ 15:43
By ,

Talao bagong pangulo ng PSA

Pinangalanan bilang bagong presidente ng Philippine Sportswriters Association (PSA) si Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.

Pinalitan ni Talao si Dodo Catacutan ng Spin.ph bilang head ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Naganap ang paghalal ng mga officer ng PSA sa general assembly nito noong Martes sa Amelie Hotel sa Malate, Maynila.

Bahagi ng bagong set of officers sina Rey Lachica ng Tempo (First Vice President), Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer (Second Vice President), Jasmine Payo ng Rappler (Secretary), Joe S. Antonio ng People’s Journal (Treasurer), Gerry Ramos ng Spin.ph (Assistant Treasurer) at Abac Cordero ng the Philippine Star (Auditor).

Si The Daily Tribune sports editor Aldrin Cardona ang itinalagang chairman ng PSA Board.

Ang pagpapakilala sa mga officersay gaganapin sa PSA Forum ngayong Abril 9 sa Amelie Hotel sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?