605

Oct 26, 2018 @ 18:54
By

Talakan nina Andrea, Francine bet ng mga fan

Parami nang parami ang nag-aabang sa mga eksena ng mga karakter nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Kadenang Ginto’, at katunayan sa una nilang pagkikita ay nagtala ang serye ng all-time high national TV rating noong Lunes (Oktubre 22) ng 18.2% laban sa 11.4% ng “Ika-5 Utos,” ayon sa datos ng Kantar Media.

Nakita na nga ang bangayan sa pagitan nina Marga (Andrea) at Cassie (Francine) matapos ang kanilang pagtutuos sa isang quiz bee, kung saan hinirang na panalo ang huli.

At mas malaking kaguluhan pa ang gigimbal ngayong sa iisang paaralan na lang nag-aaral ang dalawa. Magiging mitsa rin ito ng mas malalim na hidwaan dahil hindi makakapayag si Daniela na mapalapit ang anak niya kay Cassie, at pilit na makikipagbangayan kay Romina (Beauty Gonzales) at Robert (Albert Martinez) na lalong gugulo sa kanilang pamilya.

Ano nga kayang unos ang dadalhin ng salpukan nina Cassie at Marga? Abangan sa “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?