77

Feb 27, 2020 @ 18:46
By

‘Tala’ ni Sarah, 100M views na!

Bukod sa kasal kay Matteo Guidicelli, dapat ding batiin si Sarah Geronimo dahil naka-100 million views na ang dance craze niyang “Tala” sa YouTube.

Sobrang happy naman ang mga netizen para kay Sarah dahil deserve na deserve raw nito ang magagandang nangyayari sa kanyang buhay dahil sa pagiging mabuting anak.

Sa YouTube post ng Viva Records, mayroon nang 100,334,106 views ang “Tala” nitong Feb. 27.

Maliban sa milyon-milyong views ay may 43,786 comments na ito at 603,000 likes.

“I-congratulate rin natin si Sarah G dahil naka 100M views na ang Tala sa YouTube! Sobrang happy ko para kay Sars kasi deserve na deserve niya lahat ng magagandang nangyayare sa buhay niya. Paiyak na ako ghorl sa true lang,” ani @therealranthel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?