274

By

Takot siya sakin! – Pacquiao kay Crawford

Sharing is caring!

Halatang may problema si Manny Pacquiao ukol sa komento ng boksingero na si Terrence Crawford.

Tila wala sa radar ni Crawford na kalabanin ang eight-division champion.

“He’s not a champion in my eyes. He don’t have the super belt. That’s the champion in my eyes,” wika ni Crawford.

Kung kaya’t hindi napigilan ng The People’s Champ na magsalita ukol sa sinabi ni Crawford laban sa kanya.

“Takot lang siya,” saad ni Pacquiao.

Hindi pa nagpaaawat ang Pambansang Kamao sa pagbuwelta sa komento ukol sa kanyang estado bilang welterweight champion.

“Matagal na siyang umiwas sa akin,” dagdag pa niya.

Kagagaling lang ni Pacquiao mula sa panalo kay Lucas Matthysse noong July 15 upang makuha ang World Boxing Association welterweight belt.

Nanalo din naman si Crawford kontra sa dating sparring mate ni Pacman na si Jose Benavidez Jr. para tanghalin bilang bagong World Boxing Organization welterweight champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?