36
duterte-trillanes

Takot si Duterte sa ICC probe – Trillanes

Sharing is caring!

Nagpapakita diumano ng kaduwagan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang magbantang ipaaaresto ang mga imbestigador ng International Criminal Court kapag nagtungo ang mga ito sa Pilipinas para imbestigahan ang kanyang anti-drug campain, ayon kay Senador Antonio Trillanes IV.

“Maliwanag dito na takot na takot itong si Mr. Duterte dito sa kaso niya sa ICC. Lumalabas diyan na duwag sya,” pahayag ni Trillanes sa panayam ng dzBB.

“You cannot exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” dagdag nito.

Ayon sa senador, mahigit sa 20,000 na ang namatay sa giyera kontra droga sapul noong simulan ito ni Duterte.

“Twenty-thousand na ang namamatay. Ganun na karami,” sabi pa ni Trillanes.

Subalit lumabas sa yearend report na 3,967 drug personalities lang ang namatay sa anti-drug campaign ng pamahalaan batay sa talaan nitong Nobyembre 27, 2017 at hindi 20,000 tulad ng sinasabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?