48

May 18, 2021 @ 13:33
By

Takot sa stage! Liza ayaw sumali sa Miss Universe

Kinontra ni Liza Soberano ang mga bali-balitang siya ang susunod na sasalang sa Miss Universe.

Sa Instagram story ni Liza, sinabi nito na tingin niya’y hindi para sa kanya ang naturang beauty pageant.

“As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me,” ayon kay Liza.

Dagdag pa ni Liza, isa siyang introvert at takot tumayo sa stage na maraming tao.

(insert pic)

Umugong na sasali si Miss U si Liza dahil sa isang poser account kung saan sinabi ng nagpanggap na papasok ito sa beauty pageant kung matalo si Rabiya Mateo.

Nilinaw naman ni Liza na wala siyang Facebook account at kinontra ang mga pahayag ng kanyang poser.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?