205

Jun 13, 2021 @ 11:13

Takot sa parents! Lalaki 11 taong tinago dyowa sa kanilang bahay

Lampas isang dekadang itinago ng isang lalaki ang kanyang nobya sa loob mismo ng kanilang bahay dahil baka hindi aprub ang kanyang mga magulang sa kanilang relasyon.

2010 ay tinanan ni Rahman Khani si Sajita mula Kerala, India, kung saan itinakas niya ito sa kanilang bahay.

Para hindi mabuko ay nilagyan ni Rahman ang kanyang kwarto ng electronic door lock na siya lang ang nakapagbubukas.

Tuwing wala si Rahman ay nanonood lang sa maliit na TV na may earphones si Sajita para hindi marinig ng mga magulang at kapatid ni Rahman.

Dahil sa biglang pagkawala ni Sajita ay nagkasa ng imbestigasyon ang mga pulis ngunit hindi rin siya nahanap.

Ngayong 2021, napagdesisyunan ng magdyowa na huwag nang magtago at lumipat ng tirahan na hindi nila pinaalam sa kanilang pamilya.

Nagreklamo ang mga magulang ni Rahman sa pulis dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang anak, at nang makita ang dalawa ay doon na kinuwento na lampas isang dekada silang nagtago sa bahay mismo ng magulang ng lalaki.

Ayon sa pulis na si Deepa Kumar, tinago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil magkaiba sila ng relihiyon.

Pinayagan naman ng korte na pabayaan na ang dalawa at hayaang magsama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?