211
Takot ni Maine sa pag-arte, binuking ni Alden
Jul 10, 2019 @ 15:14
By

Takot ni Maine sa pag-arte, binuking ni Alden

Masaya si Alden Richards na may sariling movie ang kabiyak niya sa “AlDub” love team na si Maine Mendoza kahit hindi siya ang kapareha.

“I’m really happy that Maine is now really exploring acting with different partner now and doing movie projects alone,” sabi ni Alden.

Binunyag ni Alden ang pag-o-open sa kanya noon ni Maine tungkol sa takot nito sa acting.

“Kasi when we were working together, talagang nakukuwento niya sa akin she’s really having a hard time when it comes to acting,” sabi ni Alden.

“Siguro, ito ‘yung time ni Maine to break out of that fear and conquer kung ano man ‘yung mga nagho-hold back sa kanya. I’m really happy for her na binigyan siya ng opportunity to also do a project with Black Sheep,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, nakatakda namang ipalabas ang movie ni Alden with Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” sa July 31, 2019.

Makakasama naman ni Maine si Carlo Aquino sa “Isa Pa With Feelings” na wala pang release date.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?