39
Masasaktan lang! Mayweather takot kay Pacquiao
By

Takot mamatay: Mayweather suko na sa boksing

Malabo nang matuloy ang inaabangang rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ito’y matapos ianunsyo ni Mayweather na hindi na muli siyang tatapak sa boxing ring, na inilarawan ang nasabing sport bilang ‘brutal’.
Ayon kay Mayweather, isa sa nagpatibay ng kanyang desisyon para manatiling retirado ay ang kabi-kabilang pagkamatay dulot ng boxing.

“Boxing is a very, very brutal sport. In the last few years a lot of fighters have died inside that squared circle. You have got to know when to hang it up. I had a great career,” ayon kay Mayweather, na natatanging boksingero na may hawak ng undefeated record na 50-0.

Ngunit kahit pahinga na sa basagan ng mukha, mananatili pa rin si Mayweather sa sirkulasyon ngunit sa mga exhibition match na lang.

“I’ll still travel and do exhibitions. I make great money doing exhibitions — between $10 and $30 million. I think I make more doing that than most fighters make fighting,” pakli ni Mayweather.

Balak din ng 42-year old athlete na pasukin ang mundo ng mixed martial arts, na matatandaang nilaban noon ang UFC star na si Conor McGregor.

“Eventually I will move on to build my brand in MMA but for right now I’m in boxing, and boxing will always be at the top as long as I’m involved,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?