855

Jan 6, 2022 @ 10:20
By

Takot mahuli! Cindy Miranda hindi bet makipag-sex sa tsikot

Hindi pa umano nasusubukan at ayaw ding gawin ni sexy actress Cindy Miranda ang makipag-sex sa loob ng kotse.

Ito ang pasabog ni Cindy matapos tanungin kung game ba siya na makipag-talik sa loob ng sasakyan.

Tinanong ang sexy actress sapagkat sa bago niyang pelikula na ‘Reroute’ ay may eksena sila ni Sid Lucero kung saan nag-sex sila sa loob ng kotse at may nakahuli pa sa kanila.

“May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it,” tugon ni Cindy sa naturang tanong. “So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?”

“Feeling ko talaga bawal, kasi respect yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi syempre gumagalaw yung car. Nakaka-disturb yun sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip,” dugtong pa ng aktres.

“May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam. Maybe, we respect na lang people and do it in private,” wika pa nito.

Gayunman, nilinaw ni Cindy na hindi naman niya kinokontra ang mga couple na mahilig magtalik sa loob ng sasakyan. (MJD)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?