37

By

Takot imbes na saya sa Pasko ang balik-war on drugs sa PNP – Villarin

Sharing is caring!

Nangangati ang kamay ng Malacañang.

Ito ang nakikitang dahilan ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin kaya gustong ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Villarin, malamang na hindi masaya ang Pangulo sa paghawak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa giyera kontra droga dahil mas gusto nitong may patayan.

Dahil dito’y asahan na aniya ang madugo sa halip na masayang Pasko ng mga Pilipino.

“The PNP’s return at the helm of the drug war would be a return to a reign of error and terror at Yuletide. Instead of a joyous Christmas, there will be mourning and wailing among the poor who are the targets of the drug war,” babala ni Villarin.

Ganito rin ang pananaw ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na nagsabing paboritong hitman ni Duterte ang PNP kaya hindi nakapagtatakang ibalik dito ang war on drugs.

Nagbabala rin si Elago sa posibilidad na bumalik ang patayan kapag nag-operate na ang mga pulis laban sa mga drug suspect. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?