122

Jun 26, 2019 @ 16:54
By

Takeover sa pag-alis ni Pringle: Bolick PBA Player of the Week

Sa pagkaka-trade ni Stanley Pringle palabas ng NorthPort, mas lalong kuminang ang kanilang rookie na si Robert Bolick.

Dalawang laro na buhat nang malipat si Pringle, limang taon sinandigan ng Batang Pier bago ito mapunta sa Ginebra.

Tingin ng ilan ay hindi makatwiran ang kapalit nito sa Ginebra, sina Kevin Ferrer, Sol Mercado at Jervy Cruz ang pinampitas sa last year’s scoring champ, ngunit sa gitna ng rigodon ay hindi natinag si Bolick.

Sa dalawang laro, nag-average si Bolick ng 19.0 points, 9.5 assists at 7.5 rebounds, sapat para sa PBA Press Corps-Cignal Player of the Week sa nagdaang linggo.

Tinalo ni Bolick ang dating kampi na si Pringle, NorthPort teammate na si Sean Anthony at Moala Tautuaa, TNT KaTropa Roger Pogoy at Jayson Castro, Paul Lee ng Magnolia, Alex Cabagnot ng SMB at Jericho Cruz ng NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?