52

Nov 19, 2021 @ 15:01
By

Takeover ng Udenna sa Malampaya, babalatan ng Senado

Kataka-taka at nakakaalarma umano na isang pribadong kompanya, ang Udenna Corporation, ay pinayagang bilhin ang halos lahat ng strategic fossil energy asset ng gobyerno sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Lumalabas aniya na ang Udenna na pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy ay pangunahing campaign donor at kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay nakakakuha ng paborableng kontrata sa gobyerno nitong mga nagdaang taon.

Dahil dito, naghain si Hontiveros ng Senate Resolution No. 950 na humihikayat sa Senate Blue Ribbon Committee na tingnan ang “propriety” ng pag-takeover ng Udenna sa naturang asset ng gobyerno sa WPS, gayundin ang epekto nito sa seguridad at pang-ekonomiyang interes ng bansa.

“By allowing Udenna to control both the Malampaya Project and its gas pipeline, as well as the fossil energy resources in the Recto Bank, the Department of Energy (DOE) and the Philippine National Oil Company (PNOC) not only deprived the Philippine government of a substantial source of revenue, but also allowed private – and possibly foreign – interests an undue advantage over the nation through the possession of its vital strategic assets,” sabi ni Hontiveros.

Noong 2019, ayon kay Hontiveros, nakuha ng Udenna ang 45 porsiyentong share sa Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project mula sa Chevron Malampaya LLC sa halagang $545 milyon.

Kalauna’y pumasok din ito sa kasunduan sa Shell Philippines Exploration B.V. para bilhin ang 45 porsiyentong share nito sa proyekto sa halagang $380 milyon.

Inekomenda din umano ng Department of Energy na igawad sa Udenna ang dalawang service contract na sumasakip sa lugar ng Recto Bank, isang underwater formation na naglalaman ng deposito ng langis at natural agas sa WPS.

Punto ni Hontiveros, binayaran umano ng Udenna ang Malampaya share hind isa pamamagitan ng existing asset kundi mula sa utang nila sa iba’t ibang banko. Kapalit naman nito ang kikitain ng Udena na tinatayang halos $1.2 bilyon mula sa kanilang Malapnaya shares.

Kinuwestyon ng senadora kung bakit pinayagan ng state-owned PNOC ang Udenna na bilhin lahat ang share sa Malampaya gayong maari naman nilang pairalin ang ‘right of first refusal’ na magbibigay sa PNOC ng karapatan na magkaroon ng unang oportunidad na bilhin ang Malampaya share na pag-aari ng Shell at Chevron.

“If the government had matched Udenna’s offer, it would have been guaranteed a net income of around USD 275 million for around four years, until the existing wells are depleted by 2024. By failing to exercise its right of first refusal, the government was deprived of hundreds of millions of dollars which we could have used to meet the people’s needs,” sabi ni Hontiveros.

“The Malampaya project is very important to the daily lives of Filipinos. We should make sure that no law was broken, and that the public’s interests are not prejudiced in transactions related to these vital national assets,” pagtatapos pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?