285

Mar 21, 2020 @ 22:04
By

Take me back to the 80s! DJ John Robinson nagpa-lockdown party

Party-party kahit nasa loob ng mga bahay!

‘Yan ang naisipan ni DJ John Robinson nang maglunsad ito ng live “Lockdown Party” sa www.twichtv/officialdjjohnrobinson nitong March 21.

Napa-indak, throwback nga ang mga live viewer sa mga pinatugtog ni Robinson at pansamantalang naibsan ang kalungkutan dulot ng isolation ng lahat sa kani-kanilang bahay dahil sa ipinatutupad na lockdown. Napa-back to the 80s nga ang mga ito, at panay ang request ng mga kanta base sa comment section. May ilan pa na nagpapa-shout out at magiliw naman itong pinagbibigyan ni Robinson.

Si Robinson ay sikat nang DJ mula pa noong dekada 80, na nag-umpisa sa Rumors Disco. Nakapag-tour na rin siya sa Asya at sa Europa bilang recording artist, DJ producer, at remixer. Parte rin siya ng “Pepsi New Generation” artists.

Siya rin diumano ang naging unang naging boyfriend ng artistang si Dawn Zulueta.

Naka-base ngayon sa Manila si Robinson para sa sunod-sunod na gigs ngayong taon at nanunuluyan sa Cove Manila (Okada).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?