67

By

‘Take FL16HT’ ni Kyline Alcantara, ngayong gabi na!

Sharing is caring!

Excited na ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara sa magaganap sa kanyang birthday concert dubbed as ‘Kyline Take FL16HT’ mamaya na (September 8) sa Skydome SM North.

“Kinakabahan pero excited na po ako,” sambit ng dalaga nang makausap namin sa last rehearsals niya sa 8th Note Studio sa Panay Avenue.

“Millennials will definitely enjoy my show. Of course, hindi lang naman ito pang-millennials, maa-appreciate rin ito ng lahat ng manonood.

“May gagawin po ako sa show na very rare lang gawin ng isang female performer. Bibihira lang po talaga. I’m sure magi-enjoy po sila,” kuwento pa ng Sunflower Princess.

Say pa ni Kai sa isang online interview, “Sobrang saya ko po, thankful and I just feel so blessed kasi nagtiwala po sa akin ang GMA, GMA Records at higit po sa lahat, si God para magawa ko po ito. Promise ko po, hindi po sila madi-disappoint.”

Her special guests include Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Migo Adecer, James Wright at Jeric Gonzales.

‘Kyline Take FL16HT’ is a co-production venture ng GMA Records at CCC Productions at sponsored ng Dickies Women, Symply G (owned by Mr. Glenn Sy, national brand manager, Marlon Fajardo), Skeen Face & Body Anti Aging Centre & Voice Camp PH (Dr. Richard Sarmiento) at Barangay LS 97.1. Mula sa direksyon ni Marvin Caldito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?