8

By

Takahashi babalibag na sa Asiad

Sharing is caring!

Nabunutan na ng tinik sa lalamunan si Philippine Judo Federation president David Carter, pinayagan na ng eskwelahan sa Koben, Japan ang kanyang 1 sa 5 Fil-Japanese na katawanin ang Pilipinas sa buwang itong 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Umayon sa wakas noong Sabado si Shukuga Gakuin High School vice principal Junichiro Matsumoto dahil sa pangungilit ni Carter, mga magulang at coach ng judoka na si Mariya Takahashi upang makalaro na ang huli sa multi-sport meet na susulong sa Agosto 18-Setyembre 2.

Labis na nag-aalala si Carter, mga magulang na Hapones at Davaoeña, pati sina coaches Kheiko Shimoda at Matsu Moto, dahil nagkaproblema sa schedule at academic si Takahasi na nagbigay-raan para hindi pasalihin ng paaralan sa Asian Cadet & Junior Cup noong Mayo sa Lebanon at sa Macau nitong Hulyo.

Reigning world No. 78 at 2017 Malaysia Southeast Asian Games women’s 70-kilogram gold medalist si Takahashi na ginitla si 5-time defending champion Surratana Thongsri ng Thailand sa nakalipas na Agosto. Inihahanda rin siya ng PJF para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?