12

Nov 17, 2021 @ 15:39
By

Taj Mahal lumala kalidad ng hangin

Matinding pulusyon ang bumalot sa Taj Mahal sa India matapos buksan ito para sa mga dayuhang turista matapos ang travel ban dulot ng coronavirus.

Namataan ang makakapal at mapanganib na ulap sa paligid ng atraksyon na nagpalala sa kalidad ng hangin.

Ibinaba naman ng gobyerno ng India ang work-from-home order dahil sa nakalalason na polusyon sa bansa.

Ilang paaralan din ang pansamantalang ipinasara para masiguri ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga school staff.

Pagkatapos ng dalawampung buwang pagsasara dahil sa pandemya, muling binuksan ang bansa para sa mga dayuhang bisita nito lang Nobyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?