95
abante mike arroyo taiwan
Jan 31, 2018 @ 17:23
By

Taiwan trip ni Mike Arroyo, aprub sa Sandiganbayan

Pinagbigyan ng Sandiganbayan Seventh Division ang hirit ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na bumiyahe sa Taiwan mula Pebrero 2.

Pero ayon sa korte, limitado lamang sa Taipei ang maaaring puntahan ni Arroyo at dapat ay makabalik ito sa Pebrero 6.

Si Arroyo ay tutuloy sa West Gate Hotel sa Ximending sa Wanhua District, Taipei.

Hindi na kailangang magbayad ni Arroyo ng travel bond dahil hindi na nito kinuha ang P90,000 na inilagak sa mga naunang biyahe.

Pinahaharap din ang dating unang ginoo sa Division Clerk of Court sa loob ng 5 araw pag-uwi nito sa Pilipinas, kasama ang kanyang passport.

Nahaharap si Arroyo sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagbili ng chopper ng Philippine National Police na pinalabas umanong bago kahit second hand ang mga ito. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?