13

Jul 28, 2020 @ 16:14

Taiwan nagpatupad ng mandatory COVID-19 testing sa mga Pinoy

Nagpatupad ang Taiwan ng mandatory COVID-19 testing sa lahat ng Pilipino na papasok sa Taipei.

Ayon kay Health Minister Chen Shih-chung, concurrent head ng Central Epidemic Command Center, inilabas ang bagong regulasyon dahil kalahati ng imported case ng COVID sa Taiwan nitong July ay mula sa Pilipinas.

“Of the 11 imported cases in July, six were found in passengers who returned from the Philippines,” wika ni Chen.

Sa Southeast Asia, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng infections sa 82,040 kumpirmadong kaso at 1,945 na namatay.

Dagdag ni Chen, sakop din ng bagong regulasyon ang mga Taiwanese, resident permit holder, diplomat, estudyante at migrant worker mula sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?