52

Jul 10, 2018 @ 15:03
By

Taiwan naghahanda na sa hagupit ng Typhoon Maria

Nagsimula nang magsara ng mga opisina at eskuwelahan ang Taiwan nitong Martes at ilang flights na rin ang kinansela dahil sa pagtungo ng Typhoon Maria sa kanilang bansa.

Namataan sa 500 kilometro ng northeastern coastal town ng Yilan si “Maria”, ayon sa weather bureau.

Dala-dala nito ng pagbugso ng hangin na 190 kilometro kada oras.

Inanunsiyo na ng Taiwanese authorities ang pagsasara ng mga opisina at paaralan sa limang siyudad kung saan nagsimula na umanong humampas ang malalakas na alon sa dalampasigan.

Kinansela na ng UNI Air ng Taiwan ang nasa 70 domestic flights habang ang dalawa pang paliparan ay nagsuspinde ng biyahe sa Okinawa sa Japan.

Ayon sa Cathay Pacific ng Hong Kong, ilang dosena na ring flights ang kanilang kinansela sa pagitan ng Hong Kong at Taipei, pati na mula Hong Kong hanggang Okinawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?