23

Apr 3, 2020 @ 19:53
By

Taiwan nag-donate ng 5K surgical mask

Nag-donate ng 5,000 surgical mask ang Taiwan para magamit ng mga medical frontliners na nakikidigma sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Sa evening news ng DZRH mismong si Jerry Chuang, Director ng First Division Taiwan Economic Culture Office (TECO) ay nasabing ang donasyon ay mula sa Taiwanese Compatriot Association of the Philippines.

Inabot ang mga mask sa Department of Health (DOH) at nangakong may karagdagan pa itong donasyon.

Nauna na ng nagbigay ang TECO ng 10,000 piraso ng face mask sa Philippine General Hospital (PGH).

Humanga si Chuang sa dedikasyon ng mga doctor, nurse at iba pang frontliners.

Sinabi ni Chuang na patuloy na susuporta ang Taiwan sa bansa upang tuluyan ng makaahon sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?