103

By

Taiwan magbibigay ng P10.5M tulong pinansiyal sa Pinas

Magbibigay ng donasyong US$200,000 (P10.5 milyon) ang Taiwan sa Pilipinas para makabangon ang bansa sa pinsala na idinulot ng bagyong Usman.

Sa pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila, ang donasyon ay pagpapakita ng matibay na pagkakaibigan ng Taiwan at Pilipinas.

“A friend in need is a friend indeed,” sabi sa pahayag.

Si TECO representative Michael Peiyung Hsu umano ang magbibigay ng check donation bilang kinatawan ng Taiwan kay Gilberto Lauengco, vice chairman ng Manila Economic and Cultural Office, sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?