101
mike-arroyo11
Jan 5, 2019 @ 15:38

Taiwan, Japan trips ni Mike Arroyo pinayagan ng Sandiganbayan

Binigyan ng go signal si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ng Sandiganbayan Seventh Division para makabiyahe pa-Taipei, Taiwan at Tokyo, Japan.

Sa kanyang motion for leave to travel abroad, sinabi ni Arroyo na mamamalagi siya sa Taipei sa Enero 17-20 habang mula Enero 20-25 naman sa Tokyo.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay sa maanomalyang pagbili ng overpriced helicopters ng Philippine National Police noong 2009. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?