27

Jan 13, 2021 @ 18:29
By

Taiwan, Germany napasok na ng Africa COVID variant

Nakapagtala na ng unang kaso ng bagong coronavirus variant mula sa South Africa ang Taiwan at Germany.

Ayon kay Health Minister and Central Epidemic Command Center Head Chen Shih-chung sa Taiwan News, isang lalaking mula sa Eswatini, South Africa na unang nagpositibo sa COVID-19 noong Jan. 1 ang nadiskubreng carrier ng South African variant ng virus na B.1.351.

Nagpunta sa Taiwan ang pasyente noong Disyembre 24, 2020 para sa trabaho.

Sabi ng World Health Organization, mas nakakahawa umano ang B.1.351 kesa sa original version ng COVID-19 na nagmula sa Wuhan, China noong 2019.

Samantala, na-detect naman sa isang lalaki na nagtungo sa Baden-Württemberg, Germany kasama ang pamilya matapos ang mahabang pananatili sa South Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?