109

May 29, 2019 @ 12:40
By

Tai Bundit balik sa Creamline

Muling magiging mentor ng Creamline Cool Smashers ang multi-titled coach na si Tai Bundit.

Ito’y matapos na alisin sa pwesto si Huanning Li matapos ang opening game loss nito noong Linggo kontra PetroGazz.

Darating sa Lunes si Bundit para pormal nang maging coach ng Creamline, habang hinihintay ay si assistant coach Ed Ortega muna ang magtitimon sa dalawang laban ng koponan.

Dalawang beses nagkampeon si Bundit sa PVL, iniwan ang PH volleyball scene para magpokus sa pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?