468

Jun 15, 2019 @ 16:42
By

Tahong sa ‘Pinas nagpositibo sa plastic

Nagpositibo sa maliliit na plastic ang tahong na kinuha sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sinuri.

Lumabas sa pag-aaral na isinagawa ni Dr. Jose Isagani Janairo ng De La Salle University sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology, dalawa sa kinuhang sample ng tahong sa tatlong lugar ay may taglay na microplastics.

Ang ikatlong sample naman umano ay positibo sa “suspected microplastics”.

Sabi ni Dr. Araceli Monsada, director ng DOST Advanced Materials Testing Laboratory sa GMA News report, ang uri ng plastic na nakita sa tahong ay “polyethylene” na karaniwan sa mga bote ng mineral water, at ginagamit din sa textiles at fabrics.

Masyado aniya itong maliliit para makita ng mga mata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?