16

Oct 8, 2021 @ 23:31
By

Taha minasahe ng pusa

Nabigong makapasok sa semifinals ng 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga, ang nakauwi ng Maynila na NorthPort.

Kaya balikan na rin sa kanilang mga tahanan ang Batang Pier.

Isa na rito si veteran guard-forward Paolo Taha na may kakaibang trip.

Masahe ang inatupag nito sa ngayon, pero hindi sa tao kung hindi sa alagang pusa. Ibinida ng 25-anyos, may taas na 6-0 at tubong Marikina, ang video sa kanyang social media account kung saan makikitang minamasahe siya ng pusa.

Maukhang mahusay na masahista naman talaga ang hayop na seryoso sa paghimas sa kanyang basketbolistang amo.

“Galing naman magmasahe. Aba, aba! Ayan, dyan, dyan banda,” banat ni Taha.

Nasa video na marunong din ng isang trick ang pusa na mga aso lang ang madalas gumagawa. Nag-play fetch ang mag-amo.

Hirit ni Taha, “kaya rin pala ng pusa na mag play fetch!?”

Kaya tuwang-tuwa si Taha sa alaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?