26

Dec 8, 2021 @ 20:24
By

Tagumpay ni Eala kinilala ng Kamara

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na kumikilala at pumupuri kay Alexandra Eala sa nakamit nitong tagumpay sa tennis tournament.

Ang House Resolution 2349 ay pinagtibay sa sesyon ng plenaryo noong Martes.

Noong Hunyo 12, 2021, sina Eala at Oksana Selekhmeteva ng Russia ang nagkampeon sa French Open Girl’s Doubles.

Ang French tournament o Roland Garros tennis tournament ay kinikilala bilang premyadong day court tennis tournament sa mundo.

Nakagawa ng kasaysayan si Eala bilang unang Pilipino na nanalo sa Roland-Garros tennis tournament.

“Her outstanding performance and victory at the French Open Girl’s Doubles that coincided with the observance of the Philippine Independence Day has truly brought pride and honor to the Filipino people,” saad sa resolusyon.

Ang ipinakita umanong galing, determinasyon at pagpupunyagi ni Eala ay kapuri-puri at dapat lang kilalanin ng mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?