177
Tagumpay ng BOL, kapayapaan sa Mindanao! – Atty. Luna
Feb 10, 2019 @ 15:57
By

Tagumpay ng BOL, kapayapaan sa Mindanao! – Atty. Luna

Nagpahayag ng kasiyahan si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna sa matagumpay na pagdaraos ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), sa Mindanao partikular sa North Cotabato at Lanao del Norte.

Ayon kay Atty. Luna, siya at ang mga kasamang ‘intervenors’ na sina Nasser Marohomsalic at Amanoding Esmael, pangulo ng Phi­lippine Association of Islamic Accountants (PAIA)  (PAIA) ay labis na nasiyahan sa ginanap na plebisito at pagratipika sa RA 11054 (Organic Act on the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

“Masayang masaya kaming tatlo sa ginanap na plebisito at pagratipika sa RA 11054, creating the Bangsamoro Autonomous Region. Overwhelming ang suporta ng taga-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ibang geographic units sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) BARMM at ito ay magdudulot ng maganda, kapayapaan at progreso sa lupang Mindanao. Sa ngayon, kami ay naghahanda para sa oral argument sa Korte Suprema,” ayon kay Atty. Luna.

“Ang siniside naming grupo ay ang Philippine Gov’t at MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ang argumento namin is that constitutional, legal and valid ang RA 11054(Organic Act on the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) at valid din ang creation ng Bangsamoro Autonomous Region (BAR) to replace the existing ARMM,” dagdag pa ng PACC president.

Magugunitang nagkaroon ng pambobomba sa bisperas ng botohan, gayunman ay hindi natakot ang mga residente sa Lanao del Norte at North Cotabato na bumoto para sa ratipikasyon ng BOL.

Una dito ay nagpahayag si James Jimenez, Commission on Elections (Comelec) spokesman na naging matagumpay ang ‘second leg’ ng plebesito para sa BOL, kung saan ay sinasakop nito ang buong lalawigan ng Lanao del Norte maliban ang Iligan at 67 bayan ng North Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?