9

Nov 30, 2020 @ 21:36
By

Tagubilin ng NBA para sa Covid-19

Ilang araw bago umpisahan ang training camp, ipinamudmod ng NBA sa teams ang 134-page memo na nagdedetalye sa COVID-19 protocols na susundin ng players at staff sa training facilities.

Dinetalye ni Tim MacMahon ng ESPN ang protocol at ibinahagi sa Twitter ni Shams Charania ng The Athletic ang guide.

Sinabi ni Charania na tulad sa Orlando bubble noong restart, magkakaroon din ng anonymous hotline para pagsumbungan ng mga paglabag sa safety protocols sa 2020-21 season.

Required ang face masks sa lahat ng oras maliban kung naglalaro sa court, sa individual off-court workout, kapag kumakain o umiinom (kailangan may distansiya sa iba), at kung mag-isa sa isang enclosed place.

Iginiit ang distancing, proper hygiene, disinfection, health monitoring at coronavirus testing.

Kapag may nag-postive, babantayan at kapag dalawang sunod na nag-negative sa loob ng 48 hours ay makakabalik, o 10 days na walang sintomas.

Hanggang 45 katao ang kasama sa travel party ng bawat team – 17 players (15 sa roster, dalawang may two-way contracts).

Sa Miyerkoles na uumpisahan ang training camps.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?