62

Tagtuyot sa panalo ng Magic, tinapos sa Pistons

Natapos din ang delubyo ng Orlando Magic na mayroon nang siyam na larong tigang sa panalo matapos manaig sa Detroit Pistons, 102-89, nitong Huwebes (Biyernes, Manila time).

Gumana ang point guard ng Magic na si Elfrid Payton at reserve centers na sina Bismack Biyombo at Marreese Speights.

Nagpakawala ng 19 points, walong assists at walong rebounds si Payton habang pinagsamang 28 points at 18 rebounds sina Biyombo at Speights na rumelyebo sa starting center nila na si Nikola Vucevic dahil sa injury.

Kuminang ang resbak nilang centers kaya nanalo ang Magic.

Tumulong si Speights sa Magic para makontrol ang laro sa pagtatapos ng third quarter at sa pagsisimula ng fourth.

Nakaiskor din siya sa huling siyam na puntos sa third ng Orlando at nakapako ng 3-point shot sa kaagahan ng huling quarter.

Maganda rin ang pasa nito kay D.J. Augustin para sa isa pang 3-pointer kaya lumamang ng lima ang Orlando, 86-73.

Wagi naman ang Pistons na mapababa ang kalamangan ng Magic mula sa double digit ngunit hindi makalapit pa sa huling limang minuto ng basketbol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?