26

Oct 9, 2017 @ 13:41

Tagong yaman

By Arnold Clavio

Mukhang malaki ang problemang kakaharapin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay ng yaman ni Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ni Duterte, sa induction ng mga officers ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa SMX Convention Center sa SM Lanang Premier, na “I assure you, all in all, it would not go beyond P40 million.”

(Tinitiyak ko sa inyo, na ang aking yaman ay hindi sosobra sa P40 milyon).

Ayon sa oposisyon at kanyang mga kritiko na si Duterte ay may tagong yaman na aabot sa bilyun-bilyong piso. Bukod pa ito sa P211 milyon na nakadeposito sa ilang bangko.

Pero kung pagbabatayan ang isinumite na Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ni Duterte sa Office of the Ombudsman noong April 26, 2017, idineklara niya ang kanyang yaman sa halagang P27,428,862.44.

May kulang na P12 milyon ang sa paniwala ni Duterte ay yaman niya kung ikukumpara sa pi­gura sa kanyang idineklara sa SALN.

Ang discrepancy ba na P12 milyon ay ‘di sinasad­yang hindi nakasama sa kanyang SALN o kakulangan sa panig ng kanyang accountant?

Ang tanong, alin dito ang totoo?

Posible kayang sabihin ni Duterte na sinadya niyang pasobrahan o dagdagan ang kanyang yaman para pahirapan si Sen. Antonio Trillanes sa paghahanap ng dokumento tungkol dito?

Sabihin man ni Duterte na galing sa umano’y kabit ni Sen. Trillanes sa AMLAC (Anti-Money Laundering Council) ang mga dokumento na may kaugnayan sa kanyang yaman, maliwanag na authentic o totoo ang mga ito.

Hanggang ngayon ay patuloy ang panawagan ni Trillanes na lagdaan niya ang waiver para mabuksan ang kanyang mga deposito sa mga bangko.

Makabubuti na iwasan muna ni Duterte ang magbigay ng iba pang paha­yag tungkol sa umano’y tagong yaman niya bago pa siya tuluyang mapahamak.

BALITAWIT:
EVERY BREATH YOU TAKE (awiting pinasikat ni Sting at ng The Police)
Every news na fake
Every fake na news
Every blog nag-break
Every post you take
I’ll be watching you
Every single day
Every troll may say
Every game they play
Every night and day
I’ll be watching you
Lord Kayo na ang bahala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?