57

Jun 24, 2019 @ 20:44
By

Tagle nalungkot sa online sexual exploitation sa mga bata

Ikinalungkot ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kuwento tungkol sa pang-aabusong seksuwal ng mga magulang sa kanilang mga anak sa internet para lang kumita ng pera.

“It is no longer the syndicates, but their own parents,” sabi ni Tagle sa pagsasalita sa mga kabataan sa Sta. Cruz Church sa Manila noong Linggo.

Nangyayari aniya ito sa buong mundo maging sa Pilipinas.

“Here in the Philippines, a group together with some nuns, were able to rescue an 11-month old girl being sold by her own mother to a customer abroad,” dagdag pa ng cardinal.

“The mother is saying it is not a form of abuse since the customer is not there, and that she is the one holding the child,” kuwento pa ni Tagle.

Ayon kay Tagle, hindi aniya katanggap-tanggap ang naturang gawain dahil ang katawan ng tao ay sagrado.

Nanawagan ito sa lahat lalo na sa mga magulang na itigil na ang paglapastangan sa katawan ng kanilang mga anak dahil katawan umano ito ng Diyos.

“This [is] a call to everyone especially to parents, please stop harming the body because it is the body of Christ,” wika pa ni Tagle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?