102
Luis-Antonio-Cardinal-Tagle
Apr 1, 2018 @ 16:29
By

Tagle: May bato na hadlang sa pagpasok ni Kristo sa ating buhay

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na pagulungin palayo ng kanilang buhay ang mga bato ng kasalanan.

Sa kanyang homiliy sa Easter Vigil Mass na kanyang pinangunahan sa Manila Cathedral, sinabi ng arsobispo na ang mga tao ay may sarili ring bato na humaharang sa pagpasok ng Panginoon sa kanilang mga buhay.

Aniya, dapat na itaboy ang mga bato para makapasok ang pag-ibig sa ating mga buhay kagaya ng paggulong palayo ng bato dalawang libong taon na ang nakakalipas na nagbigay daan para sa muling pagkabuhay ni Kristo.

Tanong ni Tagle sa mga manananampalataya, “Mga kapatid, anong bato ang inilagay mo para hindi mabuhay si Jesus?”
Ang mga hadlang umanong bato ay maaring nasa porma ng galit, pagiging sukab at mapagmataas.

Ang mga hadlang na ito ay nakikita na rin umano sa pandaigdigang relasyon ng mga bansa dahil sa umano’y muling pag-usbong ng “Cold War.”

Sa halip na Cold War, ang kailangan umano ng mundo ay global warming.

“Alisin na ‘yang batong ‘yan, kailangan natin ng global warming. Hindi ‘yung global warming na makakasira ng environment. ‘Yung warmth of love and communion — let it out,” dagdag ni Cardinal Tagle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?