63

Dec 10, 2018 @ 16:29
By

Tagle, CBCP nag-iingat sa pagpatol kay Duterte

Sa harap ng mistulang pananahimik ng mga matataas at kilalang pinuno ng Simbahang Katoliko sa serye ng mga maaanghang na pahayag ng Pangulo laban sa mga obispo ng simbahan, may paliwanag ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dito.

Ayon kay Father Jerome Secillano, Executice Secretary ng Permanent Council on Public Affairs ng CBCP, batid nilang marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Pero ipinaliwanag nito na ayaw din ng Simbahan na basta-basta na lang bumanat sa mga patutsada ng Pangulo lalo pa’t makailang beses na ring urong-sulong at kalaunan ay binabawi rin ng Presidente ang kanyang mga pahayag.

Dagdag pa ni Father Secillano, may mga matataas din namang pinuno ng Simbahang Katolika na nagsasalita laban sa mga banat ng Pangulo.

Pero malaking bagay umano na ang publiko ay maging aktibo rin sa isyu.

Sa ngayon, malaya pa rin naman aniyang nakapagpapahayag ang Simbahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?