264

By

Tagasira ng dynasty! Kawhi kumaway sa Finals MVP

Unang season sa Toronto Raptors, inilagay agad ni Kawhi Leonard ang koponan sa pedestal sa kanilang kauna-unahang NBA championship.

Naging matatag si Leonard sa kabuuan ng serye, sa Finals ay nag-average ng 28.5 points, 9.8 rebounds, 4.2 assists at 2.0 blocks para pangunahan ang Raptors sa first stint sa finale.

Usapan din sa social media ang naging stint ni Kawhi noon sa Spurs kung saan siya rin ang ginawaran ng Finals MVP kontra Miami Heat ni LeBron James at Dywane Wade.

Sa parehong pagkakataon ngayon laban sa Golden State Warriors ay pinutol ang sana’y three-peat ng mga koponang nakabangga niya sa Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?