51

By

Tagasaka ng bawang, gumawa ng sariling eroplano

Hindi man niya naabot ang pangarap na maging piloto, desidido pa rin ang isang Chinese na magsasaka na magkaroon ng ambag sa larangang hindi kinayang abutin.

Si Zhu Yue, isang garlic farmer mula Tsina, ay kapos sa buhay, hindi nakatapos nang pag-aaral at napilitang magtrabaho sa murang edad sa sakahan ng bawang at sibuyas, at mag-welding sa isang factory sa maliit na kanayunan sa Kaiyuan.

Ngunit hindi nagpapigil si Yue, alam mang malabong maabot ang himpapawid, gumawa siya ng paraan upang maisakatuparan ang kinahihiligan.

Naging desidido si Zhu, binuhos ang lahat ng kanyang savings na 2.6 million yuan, o lampas P20 million para makabuo ng kanyang sariling bersyon ng Airbus 320.

Mas maliit man ng ‘di hamak sa orihinal na Airbus, naging masusi si Zhu sa bawat detalye ng eroplano, na inaral at ginawa ang wings, cockpit, engines, at tail ng sasakyang panghimpapawid mula lamang sa internet photos.

Kasama niya ang lima ding mga mahihilig sa aircraft para mapabilis ang proyekto.

Hindi man niya makikita itong lumipad kasama ang mga ulap, malaking accomplishment ito para sa kanya, at planong gawin na lang diner ang ginawang replica para sa mga gutom na pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?