12,286

Aug 1, 2020 @ 13:59
By

Tagalog, Pilipino, Filipino: Ano’ng pinagkaiba?

Ngayong Agosto, muling pinagdiriwang sa Pilipinas ang Buwan ng Wikang Pambansa.

Kaugnay nito, naglabas ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng explainer sa pagkakaiba ng mga wikang Tagalog, Pilipino, at Filipino:

Ang Tagalog ay “wikang sinasalita sa rehiyong Tagalog kasama ang Bulacan, Bataan, Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Puerto Princesa, Nueva Ecija, at sa National Capital Region o Metro Manila.”

Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog upang “1) mapawi ang isip-rehiyonalista, 2) ang bansa nati’y Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Pilipino ang wikang pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring pangalan ng wika, at 3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa wikang Pambansang Pilipinong batay sa Tagalog.”

Ayon naman sa Kalupunan ng KWF, ang depinisyon ng Filipino ay “ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan.”

“Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.”

https://www.facebook.com/komfilgov/posts/1059307937798414?__xts__%5B0%5D=68.ARAoZm2_L3VcIYoxXfE_U2UvcoyPXEJOOzyNh_Xzh0hYOXVgIzl6lVRmlJ9i9Mz0hvK_bDz28LbYllr6izlakH2hCPon785_-tx6UgRwZVHKAxd-Cy3v97c8O2asVVpbUR10o2356nZODfcYRufZjnOyP4yKbK7cDsEJqdBMOA9W34hz5cWMK8KS666Nxqmn3nJMlnpOFP4nbcZ4lek7L_jncT0Rr3yP77rfxlQ3-yAUe-gm2vCnJ52v0Ks6WhNVoX5SfIj3TnV_B1YkMqVRMxs2sAM5CKvnGnB3aACyUtxSPAVeZAM58y04Wlnsk2wIceMUVBaG-DfIvcqP0YpW8f-FDw&__tn__=-R

Sinimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa batay sa Proklamasyon Blg. 1041 ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Enero 1997.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?