464

Aug 5, 2022 @ 15:22
By

Taga-DSWD bumanat kay Digong: ‘Pinambili na ng motor naibulsa sa Pharmally, overpriced laptop ng DepEd’

Viral ang Facebook post ng isa umanong opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan nagpatutsada ito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maispatan sa Harley-Davidson Manila, isang motorcycle shop sa Bonifacio Global City, nitong Huwebes.

Kasama ni Duterte si Senador Bong Go sa naturang shop.

Kilalang big bike enthusiast ang dating punong ehekutibo.

Isang nagngangalan namang Kimiko Caitlin Lauz, administrative officer umano ng DSWD, ang maanghang ang naging komento rito.

Aniya, “Pinambili na ng motor ‘yung naibulsa sa Pharmally at sa overpriced na laptop ng DepEd. Salamat PRRD. Pinaghirapan mo pong magnakaw at ilubog kami sa utang. Deserve mo po yan HAHAHAHAHA.”

Ayon naman sa kilalang supporter ni Duterte na si Krizette Laureta Chu, hindi bumili ng motorsiklo ang dating punong ehekutibo kundi tumingin lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?