27
cotabato

Taga-Cotabato, nanguna sa midwife board exams

Sharing is caring!

Inanunsiyo na nitong Martes ng Professional Regulation Commission na 846 sa 2,145 examinees ang nakapasa sa Midwife Licensure Examination.

Si Dennis Michael Esteban Zequerra ng Cotabato Medical Foundation College ang Top 1 sa board exam sa rating na 91.75%.

Nakalista namang 2nd place si Ethel Cubilan Valones ng University of the Philippines (UP) School of Health Sciences-Leyte sa rating na 90.95%.

Pumangatlo sa talaan si Jade Apple Alayon Jacinto ng UP School of Health Sciences-Leyte sa 90.85% rating.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?