49

Nov 7, 2021 @ 13:37
By

Taga-CDO sinolo P8M lotto jackpot

Napanalunan ng nag-iisang mananaya ang P8.2 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Sabado, Nobyembre 6.

Ayon sa resulta ng draw, tumugma ang ticket sa winning combination para sa Lotto 6/42 na may kabuuang jackpot prize na P8,244,527.20.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Linggo, Nobyembre 7, na binili ng masuwerteng mananaya ang ticket sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental, na tumumpak sa winning combination na 24-27- 29-08-22-04.

Noon lamang Oktubre 30, napanalunan ng isang tumaya sa Valenzuela City ang 5.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.

Samantala, wala pa ring nakakakuha ng P98.5 milyon na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?