500 traffic enforcer ng QC, ikakalat sa SONA

Mahigit 500 na traffic enforcer ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang ide-deploy para sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22 sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Batasan Road at kalapit na mga lugar.