WGM Frayna tuloy ang pag-ariba

SUMAMPA sa top 10 si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna matapos ilampaso si International Master Santiago Beltran Rueda ng Spain sa eight at penultimate round ng 44th Open Internacional d’Escacs Vila De Sitges sa Spain, Sabado ng gabi.


Miciano kumakatok sa liderato

Pinataob ni International Master John Marvin Miciano si Indian woodpusher Singhania Vatsal upang lumapit sa mga nasa unahan sa 44th Vila De Sitges sa Spain, Huwebes ng gabi.


WGM Frayna pabongga sa Espanya

Bonggang inumpisahan ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang kampanya nitong makasikwat ng men’s GM title matapos kalusin si Joshi Supriya ng India sa opening round ng 41st Open International Barbera del Valles 2018 sa Barbera de Valles, Spain, Miyerkoles ng gabi.