Pope Francis, aide walang coronavirus – Vatican

Sinabi ng Vatican na negatibo sa coronavirus disease si Pope Francis at malalapit nitong aide, nang magsagawa ng testing sa kanila makaraang may isang magpositibo sa sakit sa gusali kung saan nakatira ang Santo Papa.