LGUs, tama lang na may parte sa buwis – Atienza

Winelcome ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang desisyon ng Korte Suprema na isama sa Internal Revenue Allotment (IRA) para sa Local Government Units (LGUs) ang lahat ng nakokolektang buwis sa mga ahensya ng gobyerno bukod sa Bureau of Internal Revenue (BIR), lalo na ang Value Added Tax (VAT).