P4.54M nina Tetangco, Favila pinababalik ng COA

Pinababalik ng Commission on Audit ang natanggap nina dating Bangko Sentral ng Pilipinas governor Amado Tetangco Jr., at dating Monetary Board members Peter Favila at Armando Suratos na P4.54 milyong halaga ng dagdag-benepisyo galing sa Trade and Investment Development Corp. mula 2005 hanggang 2010.