phl

PHL pasok sa ‘Asia’s Top 5’ sa lumalagong turismo

Ikinalugod ng Department of Tourism ang pagkakapasok ng Pilipinas sa ‘Top 5’ list ng Forbes.com sa usapin ng gumagandang lagay ng industriya ng turismo sa Asya.

Sinabi ni Tourism Sec. Wanda Teo-Tulfo, na ang karangalan ay patunay lang na gumanda ang tinatawag na ‘travel connectivity’ sa bansa dahil sa gumagandang sektor ng transportasyon.