rodrigo-duterte

Duterte, sinopla sa posisyon sa ‘endo’

Hindi naniniwala ang mga militanteng kongresista na walang magagawa si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa “endo”.

Para kina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at France Castro, naghuhugas-kamay na lamang ang Pangulo dahil sa simula pa lamang ay wala talaga itong plano na tapusin ang sistema ng “endo” at iba pang uri ng kontraktuwalisasyon.