Bata kumain ng adobong palaka, tigok

Sumakabilang-buhay ang isang bata sa General Santos City matapos niyang kumain ng adobong palaka.

Napaulat na sumama ang pakiramdam nitong bata ilang oras matapos kainin ang nasabing ulam na niluto ng kanyang kabarangay.

Hindi na siya nadala sa ospital.

Samantala, naospital naman ang lima pang residente na nakakain din ng adobong palaka at sumama rin ang lagay pagkatapos.


Pulis niratrat ng tandem sa Cebu, tigok

Patay ang isang pulis matapos itong tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek kaninang madaling araw sa kahabaan ng Barangay Bugas sa Badian, Cebu.


‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust

Tulak tigok sa buy-bust, P460K shabu nasamsam

Patay ang isang notoryus na tulak ng iligal na droga matapos na manlaban umano sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, Huwebes ng madaling araw, sa bayan ng Lumban, Laguna.